Sample: KASUNDUAN (Caretaker Agreement)

K A S U N D U A N

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ika- ______ ng __________, taong 2013, dito sa _______________________, Baguio City, nina Gng. Juana Dela Cruz (GNG. Dela Cruz), biyuda, may sapat na gulang, Filipino, at naninirahan sa _____________________________________,

–  at ni  –

G. at Gng. Billy at Isabela Maguiat, mag-asawa, kapwa may sapat na gulang, kapwa Filipino, at kapwa naninirahan sa ______________________________, na siyang tatawaging mga KATIWALA (caretakers).

PAGPAPATUNAY

Na si G. at Dra. Eric at Felicidad Niapes (MAY-ARI) ay siyang mga tunay at ganap na nagmamay-ari ng bahay at lupa na matatagpuan sa _______________________________________.

Na binigyan ng kapangyarihan ng mga MAY-ARI si GNG. DELA CRUZ para  makipagkasundo sa mga KATIWALA na:

1. Ang KATIWALA ay papayagan ng MAY-ARI na tumira sa nasabing bahay at lupa ng libre hanngang sila ay sabihang umalis sa nasabing bahay at lupa. Walang babayarang upa ang KATIWALA sa MAY-ARI o kay GNG. DELA CRUZ at wala ring sweldong matatanggap ang KATIWALA mula sa MAY-ARI o kay GNG. DELA CRUZ;

2. Obligasyon ng KATIWALA na bayaran ang buwanang singil sa kuryente at tubig ng nasabing bahay at lupa at ng iba pang serbisyo/utilidad na maikakabit sa nasabing bahay at lupa katulad ng telepeno, internet, atbp. habang ang mga KATIWALA ay nasa nasabing bahay at lupa;

3. Ang KATIWALA ay hindi pinapayagang ipaupa o ibenta ang nasabing bahay at lupa;

4. Ang nasabing bahay at lupa ay hindi gagamitin ng KATIWALA para sa anumang ilegal na negosyo tulad ng pagpapasugal at iba pa;

5. Ang KATIWALA ay inaasahang pangangalagaan ang nasabing bahay at lupa; sila ay pinapayagan ng MAY-ARI at ni GNG. DELA CRUZ na taniman ng gulay at prutas ang nasabing lupa. Anumang perang kikitain mula doon ay paghahatian ng mga KATIWALA at ni GNG. DELA CRUZ ng patas;

6. Ang anumang pagkasira sa nasabing bahay at lupa habang ito ay nasa pangangalaga ng mga KATIWALA ay siyang sariling gastos ng mga KATIWALA;

7. Anumang paglabag sa mga kondisyong inilathala ay maaaring gamitin para tapusin ang KASUNDUANG ito;

8. Ang mga KATIWALA ay lilisanin ang nasabing bahay at lupa ng mapayapa kapag ito ay iniutos ng MAY-ARI o ni GNG. DELA CRUZ o sinumang awtorisadong kamag-anak ng MAY-ARI o ni GNG. DELA CRUZ;

Ang KASUNDUANG ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng malayang pag-uusap at paglagda ng dalawang panig ngayong ika-__________ ng ___________ taong 2013 dito sa _______________________________________________.

__________________________________________

Gng. Juana Dela Cruz  G. Billy Maguiat

Petsa:  Petsa:

_______________________

Gng. Isabela Maguiat

Petsa:

 

SINAKSIHAN NINA 

 

________________________________________________

 

PAGPAPATIBAY

Sa harap ko bilang isang Notario Publiko sa ______________________ ay kusang loob at buong kaalamang pinagtibay ang Kasulatan ng Kasunduan nina:

Pangalan Tirahan Sedula Blg: Araw ng pag-“issue”
Juana Dela Cruz
Billy Maguiat
Isabela Maguiat

sa pamamagitan ng paglagda at pagpapatupad ng kasulatang ito. Ang mga panig ay nagpakita sa akin ng mga sedula at mga “identification cards” na ini-issue ng gobyerno.

PINAGTIBAY NG AKING LAGDA AT TATAK sa araw at lugar na nakasaad.

 (Pirma ng Notario Publiko)

Dok Blg. ___________;
Pahina _____________;
Aklat Blg. __________;
Serye ng 2013